Family day.

 Sa isang busy na pamilya, bihira na lang ung ganitong araw, yung tipong sabay sabay kayo manunuod ng favorite tv show niyo, or ung sabay sabay kayo kumain.

 Masasabi kong isang busy na pamily ung family ko. Si Daddy puro trabaho lang, sa gabi lang umuuwi. Si Ate1 nagwowork, minsan ko na lang makabonding. Si Ate2 hindi ko kasundo bihira lang kaming magusap. Si lilbrother busy sa mga girlfriends at paglalaro niya, he’s gay ata? Lol.

 Kanina nagulat ako kasi nagkasabay-sabay kami sa dining table, bihira na lang kami magsama-sama. Yung sabay kakain, magkwekwentuhan. Nakakamiss ung pamilya mo, ung kahit sa iisang bahay lang kayo nakatira bihira niyo pa rin makita ung isa’t-isa, bihira na lang kayo magusap.

 Namiss ko silang lahat kausap. Yung pamilya ko. Mahal ko sila. <3

(Source: heyimellaa)

Post Info
Notes: 11
  1. heyimellaa posted this